Maraming tao ang nanghihinayang gumastos para sa Financial education. Ganun din ako dati, ni halos ayaw kong bumili ng libro o umattend ng mga seminars. Ang katwiran ko, meron naman kase online. Tama nga naman napakadaming open source pero iba pa din pala kapag meron kang hardcopy ng mga ito o kaya naman ikaw mismo ang makakarinig first hand ng lessons sa seminar. Gumastos ka man ay hindi ka talaga manghihinayang dahil napakalaki naman ng kapalit nito: ang pagiging educated mo tungkol sa business at sa pera!
"Ang Pera Na Di Bitin" by Eduardo O. Roberto Jr.
Sa halagang Php 50 ay talagang sulit na sulit kana sa lessons and tips na matututunan mo dito. Simple pero malaman ang nilalaman ng librong ito, tuturuan nya tayo kung papaano ang tamang pagmamanage ng pera sa madaling paraan. May mga verses din ng bible ang nakapaloob dito upang suportahan ang bawat aral na binabanggit nya.
Nagbigay sya ng pitong pamamaraan para hindi mabitin ang pera natin. Ito ang mga sumusunod:
- Save - Gamitin ang "Automatic Millionaire" savings system.
- Give - Honor the Lord and give back with a joyful heart. Be generous to your family and to the poor.
- Get out of debt and stop borrowing - Tama na ang utang, salary advances at over spending.
- Live Simply - Be frugal. Keep your expenses less than your income.
- Magsipag, Magnegosyo - Maging enterprising o mag-umpisa ng sideline o negosyo.
- Mag-invest - But investigate before you invest para di maloko ng scams.
- Educate yourself - Mag-aral and pray for the wisdom. Magbasa ng mga libro at mag-attend ng mga seminar para madagdagan ang iyong knowledge and skills.
Wala pa atang isang oras ay kayang kaya mong tapusing basahin ang libro na to. Subukan mo lang ang mga paraang ito at tinitiyak ko na hindi na muling mabibitin ang pera mo. :)
My Maid Invests in the Stock Market (And Why You Should, Too!) by Bo Sanchez
Bago pa man ako magsimulang mag-invest sa Stock Market ay isa ang libro na ito sa naging guide ko. I remember sobrang excited ako noon na bilin itong libro na 'to. Sa halagang Php 175 (sa pagkakaalala ko) ay malaking tulong talaga ito lalo na sa mga nagsisimula palang kagaya ko. I know from the start na talagang mahoo-hook ako sa pagbabasa nito kaya walang paawat ay natapos kong basahin ito ng isang upuan lang.
Narito ang magandang Lessons na natutunan ko tungkol sa Stock Market:
- Invest Small Amounts Every Month for 20 Years or More!
- Invest Even When There's A Crisis
- Invest only in Giants
- Invest in Many Giants
In 10-20 years ay inaasahan ko na darating din sa akin sa wakas ang very first millions ko mula sa pag-iinvest ko sa Stock Market. Basta kailangan lang ng focus at determination na sundin ang mga guide na sinabi ng author. :)
The Turtle Always Wins by Bo Sanchez
Nitong taon lang ay nagpublish ulet ng libro si Bo Sanchez. Nang mabalitaan ko ito ay hinanap ko agad sa bookstore at kahit na Php 245 ang halaga ay hindi ako naghesitate na bilhin ito. Sa title palang ay napakainteresting na and dahil na rin sa credibility ng author sa pagsusulat kaya ko rin ako bumili.
Tinuturo ng librong ito kung paano nga ba magiging millions ang investment natin sa Stock Market, para bang naging sequel ito nung "My Maid Invest In the Stock Market.."
Ito yung lessons na natutunan ko sa pagbabasa ng book na ito:
HOW to FOLLOW the TURTLE?
1. Turtle lives below its means.
- Your expense should grow slower than your income.
2. Turtle builds his farm before his home.
- Secure your livelihood before your lifestyle.
- Establish your income stream before your expense stream.
- The perfect time to invest is when your money is still very scarce.
3. Turtle Invests his windfalls
- Aside from the regular habit of investing 20% of your income, also invest windfalls like bonuses, commissions, cash gifts and profits from side businesses.
4. Turtle Invests when its difficult to invest.
- Build wealth when everyone is afraid.
- Invest even if there are crisis.
5. Turtle Works in Cash Machines, Not Stocks
- You can't invest in the stock market if you don't have a cashflow.
- Spend 99% of your time on your business. Create your cashflow. Increase and Multiply it.
- Then spend 1% of your time investing that cashflow in the stock market.
6. Turtle Believes He'll Win
- You need Wealth Competence but more importantly Wealth Consciousness.
- Mind first then Reality.
LAW#1 You will gravitate towards what you unconsciously desire.
LAW#2 What you can see, you can create. What you cannot see, you cannot create.
Magsimula ng mag-invest sa inyong financial education, dahil ang wisdom ay pangmatagalan mong magagamit! :)
0 comments:
Post a Comment