Wednesday, September 12, 2012

TAO KAE NOI Crispy Seaweed: A Way To Billions!

            Nakakain naba kayo ng seaweeds? Literally, yung galing sa dagat na parang malagkit sa bibig. Kung oo, nasarapan ba kayo o napaklaan? Eh what if kung sabihin ko sa inyo na ang seaweeds na ito ay ginawang snack cracker, naging crispy seaweeds sya at ito ang nagbigay ng Billions  of money sa isang young Thailander? Maniniwala ba kayo? 

            To give you an idea ito ang itsura ng crispy seaweed product from Thailand. 


            Paano ko nalaman ito? Dahil sa napanood kong movie entitled "Top Secret: The Billionaire."

            Isa itong movie from Thailand. Ang story ay umikot sa isang student na nahook sa paglalaro ng online games. Mula sa paglalaro nito ay naisip nya na pwede nya palang pagkakitaan ito by selling an items sa mga naglalaro din. Until kumita sya ng napakalaki just by doing that, in fact nakapaglabas na sya ng sarili nyang car! Againsta ang parents nya sa ginagawa nya kase napapabayaan na nya ang kanyang studies and application for college. 

            One time, nadeny ang kanyang accounts sa online games kaya hindi na sya makapagbenta. Umisip sya ng ibang way para kumita mula sa savings nya, una ay bumili sya ng DVD players para ibuy and sell pero naloko lang sya ng store kase sub standard pala ang mga ito. Malaki laking pera rin ang naburn. Pangalawa naman ay ang pagtitinda ng chestnuts, bumily sya ng machines sa at a very expensive price. Naging matumal ito sa simula pero hindi nagtagal ay kumikita narin naman ito kahit papaano. Until one day nalaman nya na may napakalaking utang pala ang mga parents nya, naforeclose ang house nila kaya napilitang lumipad pa-China ang mga Parents nya. Hindi sya sumama kase determined talaga sya na makabuo ng isnag good business na makakatulong sa kanila at magpapayaman sa kanila. Huminto na sya sa pag-aaral.

            One time while driving kasama ang kanyang girlfriend, inoferan sya nito ng isang food, which is yung crispy seaweed. Nung tinikman nya ay nagkaroon agad sya ng idea na ito ang gusto nyang gawing business. Humanap sya ng raw seaweed na pwede nyang ifry on his own but hindi nya pa rin makuha ang technique to make it crispier and lesser oils. Fortunately ay nakahingi sya ng tip from a food processing unit.

            Hindi nagtagal ay nakuha na nya ang tamang texture ng crispy seaweed, in fact he started selling it sa malls at talaga namang pinipilahan pero naisip nya na maliit pa din ang kinikita nya, gustong gusto nya talagang icover ang debt ng family nya which is about 40 million Baht. 

            While looking for a food outside, nakakita sya ng 7-Eleven. Dun sya bumili ng makakain, when he gets outside, napansin nya na napakaraming 7-Eleven. Then he had an idea that maybe he can sell his product sa mga 7-Eleven store branches. Hindi nagtagal ay nagdala sya ng samples sa main office to see if papasa ang kanyang product. sa una nireject sya.

            Due to his determination ay hindi sya nagpatinag, inimprove nya ang packaging ng Crispy Seaweed until pumasa na ang kanyang product. Pero mukang tinetest talaga sya ng pagkakataon, the company will going to inspect the manufacturing details of the product. they will going to conduct an inspection. Ang ginawa nya ay itinaya na nya lahat para makapagpatayo ng isang maliit na factory. Until mag-inspect na ang 7-Eleven Team. May mga flaws pa rin on how they make the product. But one day he received a fax saying na nakapasa sa standard nila ang manufacturing details ng company. 

            Unti unti nyang nabayaran ang utang ng parents nya. Nakuha nya rin ang  naforeclose nilang bahay from bank. Ngayon ay nageexport na sya sa halos 25 countries . Available din sa napakadaming 7-Eleven branches ang kanyang product. Right now, he is just 26 years old pero he's already a billionaire! 

            Iba talaga kapag ang negosyo mo ay something unique, samahan mo pa ng determination at sipag for sure magiging successful ka!  Try mo ring panoorin ang movie na ito para mainspire kang makapag-isip ng pwede mong inegosyo. :)


             



0 comments:

Post a Comment