I don't know kung blessing in disguise ang pagkakalike ko sa fanpage ng isa sa mga success coaches sa bansa na si John Calub. May nakita kase akong post ng FREE SEMINAR entitled "How To Think Like A Millionaire and Become One.." sa news feed ko. Nung una hesitant akong magparegister pero sabi ko sa sarili ko, "Free naman eh, I think wala namang masamang itry.." So I give it a try! I registered by texting my name. Pati husband ko naging interesado kaya pati sya nagregister din together with a friend, libre eh. :)
Actually one day nalang before the date of the seminar so talagang kailangan kong tapusin lahat ng mga kailangan kong gawin para maka-attend dun. Then the day come, parang excited ako masyado, maaga nga akong umalis ng bahay mga 5:30 PM and dumating ako ng venue around 6:15PM, isa ako sa pinakamaaga. Then yung husband ko sumunod nalang pero hindi sya nalate, saktong sakto lang ang dating nya.
May mga videos na pinakita, mga interviews and guestings nya sa iba't ibang shows maybe to familiarize us sa background ng speaker and it is pretty convincing! Imagine a man na naging successful na at one point in his life bigla nalang nawala sa kanya lahat, he struggles then there he goes again, fighting and kicking and super successful na ulet, maybe 3-5 times ng success nya before. Una kong tinanong sa sarili ko, paano nya nagawa yun? Ayun nga siguro ang totoong pinunta namin sa seminar, ang malaman ang way kung paano sya nakabangon muli.
We're still waiting na magstart kase nga on the post it says na 7PM but it's already 7:50PM pero wala pa din yung speaker. Until dumating sya exactly 8PM. He told us na galing pa pala syang Cebu and he came all the way from the airport to the venue at Prestige Tower, Ortigas. As in wala pa pala syang pahinga.
Then he started talking, napansin namin na very funny and energetic ang approach nya sa pagdedeliver ng speech kaya buhay na buhay ang diwa ng mga attendees. Makikita mo lahat nakasmile at nakatawa. Very positive agad ang naging response ko sa simula palang ng seminar kaya naging very interested akong makinig.
He told us na naging mentor nya si Jack Canfield sa isang seminar, and nakuha nya ito as Free nung mga times na down na down sya, maybe he's lucky enough na binigyan sya ni Mr. Canfield ng free ticket. Kung matatandaan nyo, si Jack Canfield ay isang author ng book, "Chicken Soup For The Soul.." Naalala ko yung book na yun way back in High School when our Math Teacher allow us to share a story from that book before he starts a lesson. Ang sabi nya kase napakahirap ng Math so kailangan muna namin ng inspiring stories before we proceed and naging habit na nga ng class yun na magbasa muna sa Library ng mga Chicken Soup books and share a story sa mga classmates namin. Ngayon ko lang nakita ang konekta nila.. :)
Hindi lang si Jack Canfield ang naging mentor nya, andyan pa sina Robert Kiyosaki, Donald Trump at T. Harv Eker. Nakakabilib diba? Totoo yan sa maniwala kayo't sa hindi. Shinare nya lahat ng mga natutunan nya sa amin.
"THINK, FEEL AND ACT LIKE A MILLIONAIRE!"
Ganito daw dapat ang pag-iisip ng bawat isa. Kapag ito daw ay inisip natin ay makakaattract tayo ng saya, tagumpay o kaya naman ay magandang buhay. Dapat daw ay tanggalin ang mga negative thoughts sa mind natin, baguhin ang thinking at maging Positive. "Thoughts become things.. " sabi pa nya.
Napakarami nyang itinuro sa amin na masasabi ko na talagang mapapakinabangan natin sa pang-araw araw na buhay. Magagarantiya ko na totoong magbabago ang pananaw nyo sa buhay kapag narinig nyo ang mga itinuro nya. Pumasok ako sa venue na negative ang isipan ko at paglabas ko sobrang nakangiti na ako at motivated to be positive. Sulit na sulit ang pinamasahe namin at pinangkain during the seminar. Inimbita nya kami sa susunod nyang seminar entitled "How To Become A Money Magnet.." Ang ticket ay Php 500 only! and you can bring 5 friends with you, parang pambayad nalang ng venue kase sa SMX Convention Center gaganapin. Yung talk nya parang free nalang. Kaya di kami nagpahuli, nagpurchase agad kami ng ticket.
Tama nga ang sabi nya, hindi aksidente ang pagpunta namin doon, isa kami sa mga napili na magbabago ang buhay basta gagawin lang namin at iaapply lahat ng sinabi nya. Talagang panahon na para magbago ang buhay namin.
Bago kami lumabas ay meron syang iniwang advice sa aming lahat: "Whatever happens, never let anyone steal your dreams away from you.. " We should go for our highest aspirations! God created us to be wealthy!
Kung nais nyo ring magbago ang buhay nyo at malaman ang sikreto para yumaman, umattend kayo ng mga seminars nya. For updates about the seminar schedules, kindly like John Calub's page at Facebook. https://www.facebook.com/JohnCalubTraining.
0 comments:
Post a Comment