Isa sa unang naisip ko para kumita online ay ang pagtatayo ng isang online shop. Dahil madalas akong nagagawi ng Baclaran ay nakakuha ako ng mga suppliers na napakababa ng halaga kapag wholesale mo bibilin ang mga product. Sinimulan ko sa pagtitinda ng mga blouse, dress, accessories at bags. Gumawa ako ng FB Page na may title na "The Glam Collection.." Madalas kase ganyang format ang nakikita ko online, catchy and feminine. :) Pinicturan ko isa isa ang mga products na gusto kong ibenta at nag-invite ako ng mga friends to like my page. Hindi lang din sa FB ako nag advertise, sinubukan ko din sa Sulit at hindi nga ako nagkamali, dito ako nakakuha ng maraming client na umoorder sa akin online. Pagka order nila, they have to pay for the item as well as the shipping fee. Iba't iba din kase depende na sa usapan, then after the payment ay itatawag ko na sa courier para ipick-up sa mismong bahay namin ang mga items. After a day, delivered na ang mga items!
Ito ang aking online Store:
List ng mga trusted courier services na nasubukan ko:
1. Philfox Courier http://www.philfoxcourier.com/
Contact Nos.: 492-2293, 352-4941, 0922-6032555
Shipping Rate starts at Php 40 for small pouch
2. Xend Express http://xendexpress.com/
Contact No.: 806-9363
Shipping Rate starts at Php 50 for small pouch
Samples ng mga product ko:
Blouse ranges from Php 150-Php 300
Accessories ranges from Php 80 to Php 150
Bags at Php 160-Php 200
Ang pinuhunan ko dito ay Php 2,000. Pinalago ko muna hanggang sa kinuha ko na ang capital at tanging ang profit na lamang ang pinapaikot ko. Kapag may oras ay nagdadagdag ako ng mga bagong products.
Palagi lang tandaan na palaging maglalagay ng ads para maging visible ang produkto mo sa mga tao online. Madali lang naman basta magfocus ka lang. :)
0 comments:
Post a Comment