Sunday, September 23, 2012

Book Find: The Secret To Getting Rich Trilogy


            I have been looking for books na makakatulong sakin on how to get rich, actually there are lots of book na nagtuturo ng ways and strategies para maging wealthy. Sa dinami dami ng mga libro na ganun hindi ko alam kung anong bibilhin ko so I decided to create a shortlist para mas madaliin akong pumili.

            Until we went to BookFair in SMX Convention Center. Ang daming sale, sobrang dami ng mga book publisher participants at lalong sobrang dami ng nagpuntang tao. Meron ding mga book signing from local authors. It's a 3-day event sale. There's a Php 20 entrance fee but we only found out about that nung nakalabas na kami, akala kase namin libre. :)

            While walking around the hall, nakita ko agad ang Fully Booked stand, from there natanaw ko agad yung mga books na nasa shortlist ko, unfortunately kahit may 20% discount eh sobrang mahal pa din. I plan to buy about 2-3 books sana. Then I spotted a very thick book, around 500-600 pages siguro ang estimate ko that time. The book is entitled "Getting rich Trilogy" then napangiti ako, lalo pa akong nabuhayan when I saw that it is a trilogy of the book that I am looking na nakabound lang sa isang book at a very affordable price, Php 595 only plus discounted pa ng 20%! Jackpot!  It's like a 3-in-1 book for the price of 1! We found out that there are only 2 copies of that on the entire event, yung isa nabili na. luckily I got 1! :)



  1. Think and Grow Rich by Napoleoon Hill (matagal ko ng gustong bilin ito)
  2. Science of Getting rich by Wallace D. Wattles (nasa shortlist ko din)
  3. Master Key System by Charles Haanel (Ito ang unang unang nasa list ko)

            I think I made a very great deal sa pagbili ko nito, hoping to finish it in a month kase makapal eh and medyo maliit ang texts compared sa mga regular books. Excited na ako sa knowledge na maaacquire ko from this book.

Wednesday, September 12, 2012

TAO KAE NOI Crispy Seaweed: A Way To Billions!

            Nakakain naba kayo ng seaweeds? Literally, yung galing sa dagat na parang malagkit sa bibig. Kung oo, nasarapan ba kayo o napaklaan? Eh what if kung sabihin ko sa inyo na ang seaweeds na ito ay ginawang snack cracker, naging crispy seaweeds sya at ito ang nagbigay ng Billions  of money sa isang young Thailander? Maniniwala ba kayo? 

            To give you an idea ito ang itsura ng crispy seaweed product from Thailand. 


            Paano ko nalaman ito? Dahil sa napanood kong movie entitled "Top Secret: The Billionaire."

            Isa itong movie from Thailand. Ang story ay umikot sa isang student na nahook sa paglalaro ng online games. Mula sa paglalaro nito ay naisip nya na pwede nya palang pagkakitaan ito by selling an items sa mga naglalaro din. Until kumita sya ng napakalaki just by doing that, in fact nakapaglabas na sya ng sarili nyang car! Againsta ang parents nya sa ginagawa nya kase napapabayaan na nya ang kanyang studies and application for college. 

            One time, nadeny ang kanyang accounts sa online games kaya hindi na sya makapagbenta. Umisip sya ng ibang way para kumita mula sa savings nya, una ay bumili sya ng DVD players para ibuy and sell pero naloko lang sya ng store kase sub standard pala ang mga ito. Malaki laking pera rin ang naburn. Pangalawa naman ay ang pagtitinda ng chestnuts, bumily sya ng machines sa at a very expensive price. Naging matumal ito sa simula pero hindi nagtagal ay kumikita narin naman ito kahit papaano. Until one day nalaman nya na may napakalaking utang pala ang mga parents nya, naforeclose ang house nila kaya napilitang lumipad pa-China ang mga Parents nya. Hindi sya sumama kase determined talaga sya na makabuo ng isnag good business na makakatulong sa kanila at magpapayaman sa kanila. Huminto na sya sa pag-aaral.

            One time while driving kasama ang kanyang girlfriend, inoferan sya nito ng isang food, which is yung crispy seaweed. Nung tinikman nya ay nagkaroon agad sya ng idea na ito ang gusto nyang gawing business. Humanap sya ng raw seaweed na pwede nyang ifry on his own but hindi nya pa rin makuha ang technique to make it crispier and lesser oils. Fortunately ay nakahingi sya ng tip from a food processing unit.

            Hindi nagtagal ay nakuha na nya ang tamang texture ng crispy seaweed, in fact he started selling it sa malls at talaga namang pinipilahan pero naisip nya na maliit pa din ang kinikita nya, gustong gusto nya talagang icover ang debt ng family nya which is about 40 million Baht. 

            While looking for a food outside, nakakita sya ng 7-Eleven. Dun sya bumili ng makakain, when he gets outside, napansin nya na napakaraming 7-Eleven. Then he had an idea that maybe he can sell his product sa mga 7-Eleven store branches. Hindi nagtagal ay nagdala sya ng samples sa main office to see if papasa ang kanyang product. sa una nireject sya.

            Due to his determination ay hindi sya nagpatinag, inimprove nya ang packaging ng Crispy Seaweed until pumasa na ang kanyang product. Pero mukang tinetest talaga sya ng pagkakataon, the company will going to inspect the manufacturing details of the product. they will going to conduct an inspection. Ang ginawa nya ay itinaya na nya lahat para makapagpatayo ng isang maliit na factory. Until mag-inspect na ang 7-Eleven Team. May mga flaws pa rin on how they make the product. But one day he received a fax saying na nakapasa sa standard nila ang manufacturing details ng company. 

            Unti unti nyang nabayaran ang utang ng parents nya. Nakuha nya rin ang  naforeclose nilang bahay from bank. Ngayon ay nageexport na sya sa halos 25 countries . Available din sa napakadaming 7-Eleven branches ang kanyang product. Right now, he is just 26 years old pero he's already a billionaire! 

            Iba talaga kapag ang negosyo mo ay something unique, samahan mo pa ng determination at sipag for sure magiging successful ka!  Try mo ring panoorin ang movie na ito para mainspire kang makapag-isip ng pwede mong inegosyo. :)


             



Monday, September 10, 2012

My Brain Food: Books About Financial Education

            Maraming tao ang nanghihinayang gumastos para sa Financial education. Ganun din ako dati, ni halos ayaw kong bumili ng libro o umattend ng mga seminars. Ang katwiran ko, meron naman kase online. Tama nga naman napakadaming open source pero iba pa din pala kapag meron kang hardcopy ng mga ito o kaya naman ikaw mismo ang makakarinig first hand ng lessons sa seminar. Gumastos ka man ay hindi ka talaga manghihinayang dahil napakalaki naman ng kapalit nito: ang pagiging educated mo tungkol sa business at sa pera!


"Ang Pera Na Di Bitin" by Eduardo O. Roberto Jr.

            Sa halagang Php 50 ay talagang sulit na sulit kana sa lessons and tips na matututunan mo dito. Simple pero malaman ang nilalaman ng librong ito, tuturuan nya tayo kung papaano ang tamang pagmamanage ng pera sa madaling paraan. May mga verses din ng bible ang nakapaloob dito upang suportahan ang bawat aral na binabanggit nya.

            Nagbigay sya ng pitong pamamaraan para hindi mabitin ang pera natin. Ito ang mga sumusunod:
  • Save - Gamitin ang "Automatic Millionaire" savings system.
  • Give - Honor the Lord and give back with a joyful heart. Be generous to your family and to the poor.
  • Get out of debt and stop borrowing - Tama na ang utang, salary advances at over spending.
  • Live Simply - Be frugal. Keep your expenses less than your income.
  • Magsipag, Magnegosyo - Maging enterprising o mag-umpisa ng sideline o negosyo.
  • Mag-invest - But investigate before you invest para di maloko ng scams.
  • Educate yourself - Mag-aral and pray for the wisdom. Magbasa ng mga libro at mag-attend ng mga seminar para madagdagan ang iyong knowledge and skills.
            Wala pa atang isang oras ay kayang kaya mong tapusing basahin ang libro na to. Subukan mo lang ang mga paraang ito at tinitiyak ko na hindi na muling mabibitin ang pera mo. :)

My Maid Invests in the Stock Market (And Why You Should, Too!) by Bo Sanchez

            Bago pa man ako magsimulang mag-invest sa Stock Market ay isa ang libro na ito sa naging guide ko. I remember sobrang excited ako noon na bilin itong libro na 'to. Sa halagang Php 175 (sa pagkakaalala ko) ay malaking tulong talaga ito lalo na sa mga nagsisimula palang kagaya ko. I know from the start na talagang mahoo-hook ako sa pagbabasa nito kaya walang paawat ay natapos kong basahin ito ng isang upuan lang. 

           Narito ang magandang Lessons na natutunan ko tungkol sa Stock Market:
  • Invest Small Amounts Every Month for 20 Years or More!
  • Invest Even When There's A Crisis
  • Invest only in Giants
  • Invest in Many Giants
            In 10-20 years ay inaasahan ko na darating din sa akin sa wakas ang very first millions ko mula sa pag-iinvest ko sa Stock Market. Basta kailangan lang ng focus at determination na sundin ang mga guide na sinabi ng author. :)

The Turtle Always Wins by Bo Sanchez

            Nitong taon lang ay nagpublish ulet ng libro si Bo Sanchez. Nang mabalitaan ko ito ay hinanap ko agad sa bookstore at kahit na Php 245 ang halaga ay hindi ako naghesitate na bilhin ito. Sa title palang ay napakainteresting na and dahil na rin sa credibility ng author sa pagsusulat kaya ko rin ako bumili.

            Tinuturo ng librong ito kung paano nga ba magiging millions ang investment natin sa Stock Market, para bang naging sequel ito nung "My Maid Invest In the Stock Market.." 

            Ito yung lessons na natutunan ko sa pagbabasa ng book na ito:

HOW to FOLLOW the TURTLE?

1. Turtle lives below its means.
- Your expense should grow slower than your income.

2. Turtle builds his farm before his home.
- Secure your livelihood before your lifestyle.
- Establish your income stream before your expense stream.
- The perfect time to invest is when your money is still very scarce.

3. Turtle Invests his windfalls
- Aside from the regular habit of investing 20% of your income, also invest windfalls like bonuses, commissions, cash gifts and profits from side businesses.

4. Turtle Invests when its difficult to invest.
- Build wealth when everyone is afraid.
- Invest even if there are crisis.

5. Turtle Works in Cash Machines, Not Stocks
- You can't invest in the stock market if you don't have a cashflow.
- Spend 99% of your time on your business. Create your cashflow. Increase and Multiply it.
- Then spend 1% of your time investing that cashflow in the stock market.

6. Turtle Believes He'll Win
- You need Wealth Competence but more importantly Wealth Consciousness.
- Mind first then Reality.
         LAW#1 You will gravitate towards what you unconsciously desire.
         LAW#2 What you can see, you can create. What you cannot see, you cannot create.


            Magsimula ng mag-invest sa inyong financial education, dahil ang wisdom ay pangmatagalan mong magagamit! :)


Friday, August 31, 2012

Attending A Free Seminar by John Calub

            I don't know kung blessing in disguise ang pagkakalike ko sa fanpage ng isa sa mga success coaches sa bansa na si John Calub. May nakita kase akong post ng FREE SEMINAR entitled "How To Think Like A Millionaire and Become One.." sa news feed ko. Nung una hesitant akong magparegister pero sabi ko sa sarili ko, "Free naman eh, I think wala namang masamang itry.." So I give it a try! I registered by texting my name. Pati husband ko naging interesado kaya pati sya nagregister din together with a friend, libre eh. :)



            Actually one day nalang before the date of the seminar so talagang kailangan kong tapusin lahat ng mga kailangan kong gawin para maka-attend dun. Then the day come, parang excited ako masyado, maaga nga akong umalis ng bahay mga 5:30 PM and dumating ako ng venue around 6:15PM, isa ako sa pinakamaaga. Then yung husband ko sumunod nalang pero hindi sya nalate, saktong sakto lang ang dating nya.

            May mga videos na pinakita, mga interviews and guestings nya sa iba't ibang shows maybe to familiarize us sa background ng speaker and it is pretty convincing! Imagine a man na naging successful na at one point in his life bigla nalang nawala sa kanya lahat, he struggles then there he goes again, fighting and kicking and super successful na ulet, maybe 3-5 times ng success nya before. Una kong tinanong sa sarili ko, paano nya nagawa yun? Ayun nga siguro ang totoong pinunta namin sa seminar, ang malaman ang way kung paano sya nakabangon muli.
            
            We're still waiting na magstart kase nga on the post it says na 7PM but it's already 7:50PM pero wala pa din yung speaker. Until dumating sya exactly 8PM. He told us na galing pa pala syang Cebu and he came all the way from the airport to the venue at Prestige Tower, Ortigas. As in wala pa pala syang pahinga.

            Then he started talking, napansin namin na very funny and energetic ang approach nya sa pagdedeliver ng speech kaya buhay na buhay ang diwa ng mga attendees. Makikita mo lahat nakasmile at nakatawa. Very positive agad ang naging response ko sa simula palang ng seminar kaya naging very interested akong makinig.

            He told us na naging mentor nya si Jack Canfield sa isang seminar, and nakuha nya ito as Free nung mga times na down na down sya, maybe he's lucky enough na binigyan sya ni Mr. Canfield ng free ticket. Kung matatandaan nyo, si Jack Canfield ay isang author ng book, "Chicken Soup For The Soul.." Naalala ko yung book na yun way back in High School when our Math Teacher allow us to share a story from that book before he starts a lesson. Ang sabi nya kase napakahirap ng Math so kailangan muna namin ng inspiring stories before we proceed and naging habit na nga ng class yun na magbasa muna sa Library ng mga Chicken Soup books and share a story sa mga classmates namin. Ngayon ko lang nakita ang konekta nila.. :)

            Hindi lang si Jack Canfield ang naging mentor nya, andyan pa sina Robert Kiyosaki, Donald Trump at T. Harv Eker. Nakakabilib diba? Totoo yan sa maniwala kayo't sa hindi.  Shinare nya lahat ng mga natutunan  nya sa amin. 

"THINK, FEEL AND ACT LIKE A MILLIONAIRE!"

            Ganito daw dapat ang pag-iisip ng bawat isa. Kapag ito daw ay inisip natin ay makakaattract tayo ng saya, tagumpay o kaya naman ay magandang buhay. Dapat daw ay tanggalin ang mga negative thoughts sa mind natin, baguhin ang thinking at maging Positive. "Thoughts become things.. " sabi pa nya.

      Napakarami nyang itinuro sa amin na masasabi ko na talagang mapapakinabangan natin sa pang-araw araw na buhay. Magagarantiya ko na totoong magbabago ang pananaw nyo sa buhay kapag narinig nyo ang mga itinuro nya. Pumasok ako sa venue na negative ang isipan ko at paglabas ko sobrang nakangiti na ako at motivated to be positive. Sulit na sulit ang pinamasahe namin at pinangkain during the seminar. Inimbita nya kami sa susunod nyang seminar entitled "How To Become A Money Magnet.." Ang ticket ay Php 500 only! and you can bring 5 friends with you, parang pambayad nalang ng venue kase sa SMX Convention Center gaganapin. Yung talk nya parang free nalang. Kaya di kami nagpahuli, nagpurchase agad kami ng ticket. 

            Tama nga ang sabi nya, hindi aksidente ang pagpunta namin doon, isa kami sa mga napili na magbabago ang buhay basta gagawin lang namin at iaapply lahat ng sinabi nya. Talagang panahon na para magbago ang buhay namin.      

            Bago kami lumabas ay meron syang iniwang advice sa aming lahat: "Whatever happens, never let anyone steal your dreams away from you.. " We should go for our highest aspirations! God created us to be wealthy!          

            Kung nais nyo ring magbago ang buhay nyo at malaman ang sikreto para yumaman, umattend kayo ng mga seminars nya. For updates about the seminar schedules, kindly like John Calub's page at Facebook. https://www.facebook.com/JohnCalubTraining.





            















Thursday, August 23, 2012

Stock Market

Gusto mo bang kumita kahit nakaupo ka lang at ang pera na magtatrabaho para sa iyo? At kapag tumanda ka na ay magkakaroon ka ng instant millions upon retirement?

Paano kung sabihin ko sayo na posible ito? 

But this is not instant ha, yung biglang yaman. Sa totoo lang wang secret method dito. Ang tanging kailangan mo ay disiplina at pasensya.

Eto ang simpleng paraan:

Mag-ipon habang maaga (5-10% ng iyong monthly earnings)

At i-invest ang perang iyong naipon upang lumago. 

Ang napakalaking tanong, saan nga ba magandang iinvest ang perang naipon?

Kapag itatago mo lang sa bangko ang pera mo, luging lugi kana sa inflation palang dahil ang presyo ng bilihin ay tumataas kumpara sa maliit na interest sa mga banks.Kakainin lang ng inflation ang pera mo. Let's say meron kang Php 50,000 ngayon, kung ano mang mabibili mo sa ganyang halaga, after 1 year ay hindi mo na mabibili lahat sa ganung halaga.

Kung may naipon kana bakit hindi mo subukan iinvest ito sa Stock Market.

1. Ano ang Stock Market?

Ang stock market ng Pilipinas ay ang PSE (Philippine Stock Exchange). Ito ay isang lugar kung saan ang mga investors ay maaring bumili at magbenta ng shares ng ibat-ibang kumpanya sa Pilipinas.

2. Ano ang Shares?

Ang shares ay ownership ng kumpanya. Ito ang binebenta at binibili ng mga investors sa stock market.

3. Anu anong mga kumpanya ang nasa list ng Stock Market?

Ilan sa mga malalaking kumpanya sa ating bansa ay ang BPI, BDO, Metrobank, Jollibee, Meralco, DMCI, PLDT, Globe at napakarami pang iba.

4. Paano ang proseso ng pagbili at pagbenta ng stocks?

Pagbili ng Shares

BUYING INVESTOR to BROKER to PSE
1. Buying investors post the order via the broker
2.The Broker1 then posts the order via the PSE
3.PSE then posts the buy order para makita ng lahat

Pagbenta ng Shares

SELLING INVESTOR to BROKER to PSE
1. Selling investors post the order via the broker
2.The Broker2 then posts the order via the PSE
3.PSE then posts the sell order para makita ng lahat


2 Paraan kung papaano kumita sa Stock Market

1. Through Capital Appreciation (Pag tumataas ang halaga ng shares mo.)
2. Dividends (binibigay ng kumpanya sa bawat hawak mo na share kapag sila ay kumita ngunit hindi lahat ng kumpanya ay nagbibigay ng dividend)

LIST OF TRUSTED STOCK BROKERS IN THE PHILIPPINES:

COL Financial Group (Formerly Citisec Online)

AB Capital Securities, Inc.
Website: www.abcapitalonline.com
Accord Capital Equities Corporation
Website: www.philstocks.ph
BPI Securities Corporation
Website: www.bpitrade.com
Diversified Securities, Inc.
Website: www.dfnn.com
F. Yap Securities, Inc.
Website: www.2tradeasia.com
First Metro Securities Brokerage Corporation
Website: www.firstmetrosec.com.ph
RCBC Securities, Inc.
Website: www.rcbcsec.com






Tuesday, July 3, 2012

Ganito Ako Noon..


            Halos limang taon ata akong nakatengga lang sa bahay, walang trabaho at hindi na rin ako pumapasok sa eskwela. Ang tanging alam kong gawin ay manood ng TV, kumain, matulog at sympre mawawala ba naman ang pagpe-Facebook, of course not! Isa ako sa mga masweswerteng tao na ayun lang palagi ang ginagawa. Kumpleto ako ng means para makaaccess sa outside world kahit hindi ako lumalabas, ito ay sa pamamagitan ng paggamit ng internet.


            Until magkaroon na ako ng sariling pamilya, napansin ko na parating ganoon nalang ang ginagawa ko nadagdagan nga lang ng kaunting household chores . Dahil nga wala akong sariling trabaho at tanging ang asawa ko lang ang nagpapasok ng pera, maraming bagay akong gusto na hindi ko mabili o magawa dahil nga wala akong sariling pera. Nahihiya naman akong ipashoulder sa husband ko ang mga panluho ko dahil mas marami nga namang mas importanteng paggagamitan nun kesa sa pagbili ko ng mga luho.


            Naiintindihan ko naman ang sitwasyon pero minsan naiisip ko na parang wala man lang akong naitutulong para lumago ang savings ng aming pamilya. Gusto kong tulungan ang mister ko na maabot namin ang mga pangarap namin for our family. Minsan nakikita ko sya na palagi nalang pagod sa trabaho. Naisip ko paano nalang kapag may emergencies o iba pang pangangailangan na kailangang matugunan agad agad. Tinanong ko sa sarili ko, "Paano ba ako makakatulong sa pamilya ko?"


            Madami kasi kaming pangarap para sa family, gusto namin in 5-10 years ay magretire na ang husband ko sa pagtatrabaho para mas marami kaming  oras sa isa't isa pati na rin sa mga bata. Magagawa lang namin yun kung malaki na ang ipon namin at meron na kaming other means of passive income like business or investments. 

            Dun nagsimula na umisip ako ng mga paraan upang kumita habang nasa bahay lamang gamit ang internet. Dahil nga may mga anak ako at wala naman kaming maid, dapat talaga ay isang online business ang kailangan naming buuin o hanapin. Sa mga nababasa ko kase isa ito sa pinakamabilis na paraan sa pagnenegosyo. At hindi nga ako nagkamali, napakadami ngang opportunities online basta magfofocus ka lang!