Halos limang taon ata akong nakatengga lang sa bahay, walang trabaho at hindi na rin ako pumapasok sa eskwela. Ang tanging alam kong gawin ay manood ng TV, kumain, matulog at sympre mawawala ba naman ang pagpe-Facebook, of course not! Isa ako sa mga masweswerteng tao na ayun lang palagi ang ginagawa. Kumpleto ako ng means para makaaccess sa outside world kahit hindi ako lumalabas, ito ay sa pamamagitan ng paggamit ng internet.
Until magkaroon na ako ng sariling pamilya, napansin ko na parating ganoon nalang ang ginagawa ko nadagdagan nga lang ng kaunting household chores . Dahil nga wala akong sariling trabaho at tanging ang asawa ko lang ang nagpapasok ng pera, maraming bagay akong gusto na hindi ko mabili o magawa dahil nga wala akong sariling pera. Nahihiya naman akong ipashoulder sa husband ko ang mga panluho ko dahil mas marami nga namang mas importanteng paggagamitan nun kesa sa pagbili ko ng mga luho.
Naiintindihan ko naman ang sitwasyon pero minsan naiisip ko na parang wala man lang akong naitutulong para lumago ang savings ng aming pamilya. Gusto kong tulungan ang mister ko na maabot namin ang mga pangarap namin for our family. Minsan nakikita ko sya na palagi nalang pagod sa trabaho. Naisip ko paano nalang kapag may emergencies o iba pang pangangailangan na kailangang matugunan agad agad. Tinanong ko sa sarili ko, "Paano ba ako makakatulong sa pamilya ko?"
Madami kasi kaming pangarap para sa family, gusto namin in 5-10 years ay magretire na ang husband ko sa pagtatrabaho para mas marami kaming oras sa isa't isa pati na rin sa mga bata. Magagawa lang namin yun kung malaki na ang ipon namin at meron na kaming other means of passive income like business or investments.
Dun nagsimula na umisip ako ng mga paraan upang kumita habang nasa bahay lamang gamit ang internet. Dahil nga may mga anak ako at wala naman kaming maid, dapat talaga ay isang online business ang kailangan naming buuin o hanapin. Sa mga nababasa ko kase isa ito sa pinakamabilis na paraan sa pagnenegosyo. At hindi nga ako nagkamali, napakadami ngang opportunities online basta magfofocus ka lang!